Lamanloob

作词:Marlon "Loonie" Peroramas,Ron Henley

作曲:Marlon "Loonie" Peroramas,Ron Henley

所属专辑:Lamanloob

歌词

Lamanloob - Stick Figgas

作词:Marlon "Loonie" Peroramas/Ron Henley

作曲:Marlon "Loonie" Peroramas/Ron Henley

Kapag sinabi ko lahat ng nasa isip ko malamang

Ako'y mapapagkamalang walang pusong nilalang

Ngunit pag ginawa ko naman lahat ng gusto ko mukhang

Ako'y magmimistulang may turnilyong kulang at mangmang

Ang hirap tantyahin ng mga sukat at timbang

Ng puso kong uto uto at utak na mapanlinlang

Ang hirap tantyahin ng mga sukat at timbang

Ng puso kong uto uto at utak na mapanlinlang

Sunod sunuran na naman ako sa'yo

Lagi na lang ba tayong ganito

Sabi ng iba wag ko na nga lang daw isipin

Dinggin ang bulong ng puso at ang ibig nitong sabihin

Kinanta mo sakin ang lahat ng lihim

Kapalit ng sarili kong handang magpa alipin

Para lang mga pangarap kong matagal ng nakabitin

Gawing katotohanan pagkagising

Sa gutom at gigil hakbang ko'y pasugod

Walang alam sa kung anong pwedeng mangyare kasunod

Biglang dating ng eksenang ngayon ko lang napanuod

Ang masamang aso'y muli na namang nagpaka busog

Nangangahulugang walang may kayang mag isa

Kaya pala pag nadadapa madalas ang tanong nila

Kung may nahuli ka mga aral ata'y napupulot lamang

Kapag nasa sahig ka na

May mga bagay sa mundo

Iba't ibang hilig at gusto

Tulad ng puso at ng isipan

Na bibihirang magkasundo

Madumi nga lang ba ang utak o baka tama ang kutob

Kanino nga ba ko susunod tingin paloob

Sunud sunuran na naman ako sa'yo

Lagi na lang ba tayong ganito

Sabi ng utak ko sakin wag ko na lang damdamin

Isipin ng mabuti ang bawat hakbang na gagawin

Kakailanganin mo ng hangin kung gusto mong lumobo

Punuin mo ng kaalaman yang ulo mo katoto

Di na pwede yung tulad ng dati puro na lang oo

Uulitin lang kung anong itinuro parang loro

Sa bokabularyo ko hindi na uso ang bumoto

Sa gobyernong walang aasahang tulong o saklolo

Ba't di ka mag isip mag isa

Matutong kang magsolo di pwedeng puro palakpak

Dapat una muna pondo

Ubod ng metikuloso na ang utak ko

Ayoko na kasing ako'y maisahan madugas o maloko

Natuto na ko dati nung binuhos ko ng todo

Ang lakas at ang tiwala ko sa puso ko na bobo

May mga bagay sa mundo

Iba't ibang hilig at gusto

Tulad ng puso at ng isipan

Na bibihirang magkasundo

Madumi nga lang ba ang utak o baka tama ang kutob

Kanino nga ba ko susunod tingin paloob

Wag matakot sa nararamdaman

Sundan mo sundan mo sundan mo sundan mo

Ang kasaguta'y nasa isip mo lang

Buksan mo buksan mo buksan mo buksan mo

Wala nang natira ni katiting na porsyento

Ng lakas para makapagisip ng deretso

Kailangan kong prumoseso

Kung may magtuturo lang ng tulay na maguugnay

Sakin patungo sa templo

Naguumapaw sa utak mga ideya at konsepto

Retoke paulit ulit imposibleng makuntento

Perpekto na ang plano bawat detalye kumpleto

Pero wala kong lakas ng loob gawing kongkreto

Sinunod ko nga ang puso at ang utak sinuway

Binusog ko ang damdamin ngunit bulsa' umaray

Kung legal ang pumaslang marami na kong napatay

Wala na ngang puso sunog pa ang baga pati atay

Napakapit kay inay ang pasmado kong kamay

Mga payo ni itay tangi kong gabay

Sa puso mo ipasok at sa isip ilagay

Kung ika'y nalilito gamitin mo ng sabay

Kasi

May mga bagay sa mundo

Iba't ibang hilig at gusto

Tulad ng puso at ng isipan

Na bibihirang magkasundo

Madumi nga lang ba ang utak o baka tama ang kutob

Kanino nga ba ko susunod tingin paloob

Wag matakot sa nararamdaman

Sundan mo sundan mo sundan mo sundan mo

Ang kasaguta'y nasa isip mo lang

Buksan mo buksan mo buksan mo buksan mo

Kapag sinabi ko lahat ng nasa isip ko malamang

Ako'y mapapagkamalang walang pusong nilalang

Ngunit pag ginawa ko naman lahat ng gusto ko mukhang

Ako'y magmimistulang may turnilyong kulang at mangmang

Ang hirap tantyahin ng mga sukat at timbang

Ng puso kong uto uto at utak na mapanlinlang

Ang hirap tantyahin ng mga sukat at timbang

Ng puso kong uto uto at utak na mapanlinlang

展开