歌词
@migu music@
Pilosopo - Loonie
Written by:Paul Klumcee Vano
Malawak ang isip matalas ang diwa
Yun nga lang kakaiba ang tabas ng dila
Pag hawak ko na ang mikropono lagot
Bawat bobong tanong may pilosopong sagot
Mag aral ng mabuti yan ang dapat kong gawin
Kaso nga lang pati masama inaral ko na rin
Tsaka 'di ko man aminin
Kung ano ang ayaw kong isulat yun ang ibig kong sabihin
'Di mo maintindihan pilit mo mang isipin
Ang pahiwatig ng mga titik sa awitin
Malalim humiwa ang lirikong may ngipin
Palaging sariwa hindi nakakabitin
Bisayang dako
Diyos ko simba ko bakit ganito lahat gusto maging ako
Andami kong pangarap tutuparin ko to
Tagalog Bisaya Ingles may punto parin ako
Ano
Ano mang sabihin mo
'Di mo kayang tindihan
Kahit na itodo mo kahit na itodo mo
Kasalanan ko ba na 'di mo maintindihan ang isangpilosopo
Easy lang easy lang bakit ka masyadong seryoso seryoso seryoso seryoso
Easy lang easy lang bakit ka masyadong seryoso seryoso seryoso seryoso
Kahit magkulabo pa kame ng sinsasabi mong the best
Ako'y karibal pag may bisita kinakain ko yung guest
Kung 'di mo yon na gets pwes 'di ka na bagets
Jejemon at putapetz pwede munang umalis
Alis layas malinaw ba
'Di mo ba naintindihan parang ni hao ma
Bumbilya sa ulo ko may ilaw na
Pag pinaliwanag ko pa baka masilaw ka
Halimaw sa mikropono
Teka muna pare
Walang sinabe mga letra mo sa akin
Tahimik bawat titik alpabeto'y wawasakin
Pwedeng daanan ng bapor ang metaphor sa lalim
Tawag sa akin sa amin ay hari ng tugma
Ito'y biyaya nga bang galing langit o sumpa
Kase pag sinabi mong rapper ka laging may kutsa
Anong klase gift wrapper o wrapper ng lumpia
Pero
Ano mang sabihin mo
'Di mo kayang tindihan
Kahit na itodo mo kahit na itodo mo
Kasalanan ko ba na 'di mo maintindihan ang isang pilosopo
Easy lang easy lang bakit ka masyadong seryoso seryoso seryoso seryoso
Easy lang easy lang bakit ka masyadong seryoso seryoso seryoso seryoso
Tulad din ng dati kung pambungad
Ay kwento mo sa pagong
At ang kumento't mga tanong
O argumentong alam mong
Alam kong alam nyong 'di na bago parang tunay sa 'di totoo
Sinung binobo nyo nung halalan nung kailan ba sinong binoto mo
Ako'y pipilosopo
Para sa likas daliring turong sinaulo nang mapangatawan
Bagamat matigas ang ulo'y mayrong malambot na pusong
Habol ang huling halakhak kahit na pagtawanan
Nangarap ng malayo may natapos san nagmula
Umabante pataas na may pagpapakumbaba
Pinagmalaki ko na bago pa maliitin ng mga pangungutya
Lalo na kung galing ding sa mga walang mukha
Na mahusay sa paggamit ng mabangong salita
Pero 'di balanse ang timbangan ng kanan at kaliwa
Pero baka biglang matulala alam mo na magulat maeatbulaga
Pag sinimulan ko kayong pakitaan ng mga akala nyosakin wala
Wala wala wala
Ano mang sabihin mo
'Di mo kayang tindihan
Kahit na itodo mo kahitna itodo mo
Kasalanan ko ba na 'di mo maintindihan ang isang pilosopo
Easy lang easy lang bakit ka masyadong seryoso seryoso
Easy lang easy lang bakit ka masyadong seryoso
Huwag kang masyadong seryoso oh
Huwag kang masyadong seryoso oh
Bumbilya sa ulo ko may ilaw na
Pag pinaliwanag ko pa baka masilaw ka
Halimaw sa mikropono mikropono
Halimaw sa mikropono mikropono mikropono mikropono
Easy lang easy lang huwag kang masyadong seryoso
Oh oh oh oh oh
Bumbilya sa ulo ko may ilaw na
Pag pinaliwanag ko pa baka masilaw ka
Halimaw sa mikropono mikropono
Halimaw sa mikropono mikropono mikropono mikropono
展开