Bago Ang Lahat

作词:Paul Klumcee Vano

作曲:Paul Klumcee Vano

所属专辑:Ultrasound

歌词

@migu music@

Bago Ang Lahat - Loonie

Written by:Paul Klumcee Vano

Ang Haba ng tulog ko masyadong masarap

Daig ko pa ang batang bagong panganak

Ni hindi ko nga alam kung paano naganap

Paggising ko bigla nalang nag bago ang lahat

Yung Taxi kwarenta na ang flagdown sa metro

Tapos halos dose pesos bawat kilometro

Siguradong mababadtrip dito si Rizal

Barya nalang ang sampung piso literal

Boksingerong kongresista pwede na

Palakasan sa pulitika etcetera

Hindi na uso ang silya elektrika

Tapos si Rustom Padilla may dede na

Tigok na si Saddamm patay na si Osama

Nag tsunami sa Japan buti buhay pa si Ozawa

Halalan sa Amerika nanalo si Obama

Puti na ang pisara bagong simula na

Bago ang lahat alam mo ba na ang

Lahat ay nagbago na

Lahat ay nagbago na

Bago ang lahat alam mo ba na ang

Lahat ay nagbago na

Lahat ay nagbago na

Pabago bago pabago bago

Pabago bago pabago bago

Pabago bago pabago bago

Ang panahon at isip ng tao

Sa aking pagbalik halos walang nagbago sa itsura

Ganun pa rin ang bakod bago lang ang pintura

Mailaw na lansangang bagong gimikan

Pare pareho lang ang ulam bagong init lang

Sa panghi tingnan natin kung hindi ka mandiri

Sa pader kung san nagpapataasan ng ihi

Panay bagong mukha ang nasa gitna

Dating salimpusa naging aso bigla

Nawala na yung dating mga kasama ko lagi

Nag anyong gusali at nagpakabahay kunwari

Sa ilog ng pagsubok lulutang ang ugali

Nagbago ang galawan nawala lang yung hari

Ang daang baku bko sana maging semento

At ang daang liku liko sana maging derecho

Pilit kong inisip ano nga bang nag iba

Sino nga bang nagbago ako ba o sila

Bago ang lahat alam mo ba na ang

Lahat ay nagbago na

Lahat ay nagbago na

Bago ang lahat alam mo ba na ang

Lahat ay nagbago na

Lahat ay nagbago na

Pabago bago pabago bago

Pabago bago pabago bago

Pabago bago pabago bago

Ang panahon at isip ng tao

Taong dalawang libo't labing dal'wa

Habang tumatagal ang mundo nag iiba

Walang permanente kundi ang pagbabago

Dating luntian unti unti nang naglalaho

Tubig sa ilog pasig pwedeng inumin dati

Tinitingnan ka ng mata ng illuminati

Salamat sa wakas meron ng DVD copy

Meron narin pirata pati Issey Miyake

Para sa'n pa ang TV kung meron ng PC

Aanhin pa ang encyclo kung meron ng wiki

Buong mundo nasa dulo ng daliri mo

Kahit ano pwede mong ituro sa sarili mo

May bago kang phone ano ang gagawin mo

Kung may lumalabas na masbago kada lingo

Sa bilis ng oras wala ng kamay ang mga relo

Baka di mo nalang mamalayan

Biglang mamatay ang katabi mo

Bago ang lahat alam mo ba na ang

Lahat ay nagbago na

Lahat ay nagbago na

Bago ang lahat alam mo ba na ang

Lahat ay nagbago na

Lahat ay nagbago na

Bago ang lahat alam mo ba na ang

Lahat ay nagbago na

Lahat ay nagbago na

Bago ang lahat alam mo ba na ang

Lahat ay nagbago na

Lahat ay nagbago na

Pabago bago pabago bago

Pabago bago pabago bago

Pabago bago pabago bago

Ang panahon at isip ng tao isip ng tao

Ng tao ng tao ng tao ng tao ng tao ng tao

Ng tao ng tao ng tao ng tao

展开