Nas'an Ang Milagro Ko (From "Encanto"/Soundtrack Version)(From "Encanto"/Soundtrack Version)

作词:暂无

作曲:暂无

所属专辑:Encanto(Tagalog Original Motion Picture Soundtrack)

歌词

@migu music@

@migu music@

作词 : Lin-Manuel Miranda

作曲 : Lin-Manuel Miranda

Kalma ka lang, 'wag magtampo

Kimkimin lang ang lungkot mo

Ang isipin lang, ikaw rin ay Madrigal

Ayos lang, tinatago na lang

Hahayaan kayong kuminang

Pait lang, sakit lang

Ang bundok, 'di kaya

Bulaklak, 'di uusbong

Ayaw nang naghihintay sa silid ko

Para sa milagro ko

Hindi kayang manglunas

Ang bagyo'y 'di susunod o masasaway

Ang lungkot, 'di na kaya na kimkimin pa

Sa milagrong hinahanap ko, milagro ko

Sa pag-iisa ko

Tila kulang ako

Parang nasa pinto

Naghihintay na ako'y kuminang

Pagkakataon lang

Sana ay mabigyan

'Di na kayang laging tatabi lang

Imulat niyo na ang 'yong mata, 'mulat niyo na

Ang bundok, hamunin

Simulan ang tagsibol

Sana ay sabihin niyo, gagawin ko

Nang makuha na'ng milagro ko, milagro ko

'Bibigay ang lunas

Kakaibang mamasdan niyo

Tunay kong husay, ano'ng gagawin ko?

Sawa na sa paghihintay na 'to, milagro ko

Tinakda na, sige, handa na

Naghintay at umasa na sana

Na ako'y biyayaan tulad lang noon

No'ng sila'y pagpalain niyo

Wala na nga ba ang milagro ko?

展开