歌词
@migu music@
Gunita - Sugarcane
Lyrics by:Carl Angelo D. Guerzon/Cedric James A. Angeles/Froilan Jerome DJ. Bautista
Composed by:Carl Angelo D. Guerzon/Cedric James A. Angeles/Froilan Jerome DJ. Bautista
Ala-alang nilikha
Masasariwa pa kaya
Mga kwentuhan at tawanan
Nawa'y 'di malimutan
Mag-iba man ang ihip ng
Hangin na ating daraanan
Mananatili ang pinagsamahan
Tandang-tanda ko pa
Unang araw sa eskwela
Halong tuwa't kaba ang nadama
Lahat nagpakilala
Kanya-kanyang istorya
Ngunit tanging
Sa 'yo lamang
Nabihag ang mga mata
Binaling ko man ang tingin
Para kilig ko'y
'Di mapansin
Ngiti sa labi
Ko'y ikaw salarin
Agad nagkainlove-an
Dalawang magkaibigan
Napahingang malalim hay
'Di malimot ang
Ala-alang nilikha
Masasariwa pa kaya
Mga kwentuhan at tawanan
Nawa'y 'di malimutan
Mag-iba man ang ihip
Ng hangin na ating daraanan
Mananatili ang pinagsamahan
Tinaga pa sa bato
Pangalan ko at pangalan mo
Hanggang wakas na
Ang tambalang ito
'Di sukat akalain
Mag-iiba ang hangin
Pinaglayo man ng tadhana'y
T'yak ikaw pa rin
Lumipas ang mga taon
Marami man ang nagbago
P'wera na lamang ang
Pagtingin ko sa'yo
Araw-araw sasariwain
Pinagsamahan natin
Ipipikit mga mata't
Hahayaang magpadala sa
Ala-alang nilikha
Masasariwa pa kaya
Mga kwentuhan at tawanan
Nawa'y 'di malimutan
Mag-iba man ang ihip ng
Hangin na ating daraanan
Mananatili ang
Hindi ka man katabi sa
Dulo ng paglalakbay
Nawa ay masaya ka't kailan
Ma'y 'di nalulumbay
Ang puso ma'y nagkubli
Ikaw lang ang sinisigaw
Magbago man lahat
Pag-ibig ko'y tanging ikaw
Ala-alang nilikha
Masasariwa pa kaya
Mga kwentuhan at tawanan
Nawa'y 'di malimutan
Mag-iba man ang ihip ng
Hangin na ating daraanan
Mananatili ang pinagsamahan
展开