歌词
@migu music@
Gaano Kadalas Ang Minsan - La Diva
Written by:George Canseco
Gaano kadalas ang minsan lang ka mahagkan
'Sindalas na rin ng dami ng bituin waring walang-hanggan
Dahil sa labi ko laging mararamdaman
Kahit sandali halik mo'y dumampi minsan
Gaano kadalas ang makapiling kang minsan
Sa 'ki'y 'sindalas nang walang wakas saglit man magpisan
Dahil sa gano'ng paraan lang mag-iisa
Kung magsasanib ang dalawang dibdib 'di ba
Ngunit kung pag-ibig ay hindi rin lang wagas
Mabuti pa mabuti nga mabuti ang hanggang maaga'y magwakas
Pagkukunwari itago man ay lalabas
At minsan kang matuklasan hapdi'y walang kasindalas
Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan
Kahit minsan lang sa 'ki'y para bang walang katapusan
Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay
Gaano kadalas gaano kadalas ang minsan
Dahil ang pag-ibig kung hindi rin lang wagas

展开