Tinta

作词:Aristotle Pollisco

作曲:Aristotle Pollisco

所属专辑:Matrikula

歌词

@migu music@

Tinta - Gloc 9

Written by:Aristotle Pollisco

Pwedeng asul

Pwedeng itim

Pwedeng pula

Pwedeng iba ang mahalaga'y kung anu ang maiintindihan nila

Sila na syang makikinig at makabisado ng kanta

Ngayon sabihin mo sa akin paano mo ginamit ang tinta

Ahh ahh ahh ahh ahh

Nagsimula ang lahat ng aking mahawakan ang papel at panulat habang

Ako'y tinuturuan ni nanay habang sya'y naglalaba ng

Damit sa poso paulit-ulit isinusulat at dapat deretso ang mga

Letra na parang petsa sa kalendaryo

Magbasa ng aklat kung minsan nama'y komiks

At dyaryo ng sa gayo'y mapalawak ang aking bokabularyo

At hindi imbento na parang gamot ng albularyo

Nag-aral isa dalawa tatlong baytang sa elementarya natapos sa ika-anim

Ngunit walang medalyang nakasabit sa aking leeg

Ng hindi sampagitang dala-dala ni tatay pagkatapos mamasada

Lumipas ang mga taong sinubukang lumikha mga salitang magakatugma na ang tawag ay tula

Ngunit may nagsabi sa akin cris pagnaron ka na

Sabihin mo sa akin kung paano mo ginamit ang tinta

Pwedeng asul

Pwedeng itim

Pwedeng pula

Pwedeng iba ang mahalaga'y kung anu ang maiintindihan nila

Sila na syang makikinig at makabisado ng kanta

Ngayon sabihin mo sa akin paano mo ginamit ang tinta

Ahh ahh ahh ahh ahh

Ahh ahh ahh ahh ahh

Paggising mo sa umaga maliligo ka sa banyo papasok ka sa eskwela

Manghihingi ka ng baon kung titigna'y wala kang pinagkaiba sa lahat

Ngunit sa iyong isipan ay may nabubuong alamat

Ng isang makatang laging titingalain ng lahat

Ang mga awit na ikaw lang ang may alam ng pamagat

Na balang araw ay sasambitin awit mo'y kakantahin

Ng lahat ng batang tulad mo'y may pangarap rin

Ngunit ngayo'y nagsisimula ka pa lang

Di mo hahayaang pigilan ang iyong bawat hakbang

Kahit na ito'y mabagal na parang nakasaklay

Ang mga pangarap mo syang sandata mong taglay

At walang makakapigil kahit minsan ay parang

Wala ka nang maayos na lupang pwede mong lakaran

Ngunit pagdating ng araw at naron ka na sabihin mo

Sa akin kung paano mo ginamit ang tinta

Pwedeng asul

Pwedeng itim

Pwedeng pula

Pwedeng iba ang mahalaga'y kung anu ang maiintindihan nila

Sila na syang makikinig at makabisado ng kanta

Ngayon sabihin mo sa akin paano mo ginamit ang tinta

Ahh ahh ahh ahh ahh

Ahh ahh ahh ahh ahh

展开