Tao

作词:Gary Perez,SAMPAGUITA

作曲:Gary Perez,SAMPAGUITA

所属专辑:Matrikula

歌词

@migu music@

Tao - Gloc 9/Cookie Chua

Written by:Gary Perez/Sampaguita

Gloc:Ang awiting ito'y para sa lahat ng minahal natin

Ito'y para rin sa lahat ng mga nagmahal sa atin

Cookie:Tulad ng isang ibon

Tao ay lumilipad

Pangarap ang tanging nais

Na marating at matupad

Bakit pa luluha

Bakit maghihirap

Ayaw mang mangyari

Ay di masasabi

Gloc:Minsan tayo ay nalilibang di natin napapansin

Oras na lumilipas ang pilit nating lilingunin

Sana'y nasabi ko sana'y nalaman niya

Sana'y nung giniginaw ay hawak ko ang palad nya

Ngunit naisip ko ngayon ay mas dinig

Kahit isang bulong kahit na isang pintig

Ng puso pag sinabi mong sya'y mahalaga

Asahan mong sayo'y ganon di ang kanyang nadarama

Cookie:Isip ay nalilito

Pag nakakita ng bago

Lahat ng bagay sa mundo

Ay isang malaking tukso

Sasaktan mo lamang

Puso ay hwag sugatan

Ito'y laro lamang

Sa mundong makasalanan

Gloc:Matapos ang lahat isa lang ang aking napatunayan

Huwag mong hayaan na parang alikabok sa langsangan

Na nililipadlipad at tuluyan ng mapahalo

Pag umula'y magiging putik sa kanal na bumabaho

Sabi nga nila ang buhay ay siguradong hindi

Lahat ay nakatakda pero di ka pwedeng mamili

Kaya't kung may pagkakataon mahigpit mong yakapin

Dahil baka bukas sayo ay bigla lang agawin

Cookie:Tubig ay natuyo

Bulaklak ay nalalanta

Araw ay lumilipas

Sa gabi rin ang punta

Sasaktan mo lamang

Puso ay hwag sugatan

Ito'y laro lamang

Sa mundong makasalanan

Gloc:Salamat sa pagkakataong kayo ay makasama

Salamat sa mga araw may luha man o tawa

Salamat sahil nalaman ko ang aking pagkukulang

Pero sa kabila nito ako'y di mo kinalimutan

Salamat dahil akoý tinuring mong kaibigan

Salamat at hanggang sa susunod nating kamustahan

展开