Bituwin

作词:Aristotle Pollisco

作曲:Aristotle Pollisco

所属专辑:Matrikula

歌词

Bituwin - Gloc 9/Allan Mitchel

作曲:Aristotle Pollisco

Tulog na anak at bukas

Ay may umagang darating

Minamasdan kita habang tulog

Na parang isang bituin

Kahit pa iniwan tayo ng iyong ina

Dahil ako'y mahirap

Kaya't sumama sa iba

Ngayon ika'y musmos pa lamang

Tatlong taong gulang

Lahat ay gagawin haharapin

Mapag-aral ka lang

Upang maabot mo

Buhay na pinapangarap ko

At iyong malisan

Hirap na kinamulatan ko

Lumipas ang ilang taon

Ako ay umalis

At sa malayong pook

Ako ay nag-tiis

Larawan mo ang

Laging hawak hawak ko

Ano mang dusa ito ay kakayanin ko

Ako ay nagbalik

Sa araw ng 'yong kaarawan

Malayo pa lamang nakita ko na

Ako'y kinabahan bakit maraming ilaw

Sa loob ng aming tahanan ako'y lumuluha

Mukha mo a'y pinagmamasdan

Paalam na aking anak

At sa gabing darating

Ako ay titingala

At hahanapin ka sa mga bituin

展开