Bahala Na

作词:Aristotle Pollisco

作曲:Aristotle Pollisco

所属专辑:Matrikula

歌词

@migu music@

Bahala Na - Gloc 9/Moymoy Palaboy/Sisa/Biboy

Written by:Aristotle Pollisco

Ito ba talaga ang buhay ko bahala na

Ganyan lang talaga ang buhay kaya kumapit ka

Akalain mo nga naman

Dahil ako nanaman ang

Babanat sa mic na to

Sige sumakay ka sa bike na to ang tulang itoy

Hinahandog sa mga ka-chokaran kong

Palaging talo

Sa mga laro ng buhay

Gusto mo ng chicken pagtingn mo gulay

Malunggay na hinaluan ng tuyong tira

Pagkatapos mong kumain ay walang tinga

Paghinatulan ay di ka pwedeng umapila

Birthday mo pala bakit di ka kinumbida

Ang panget mo yan ang sinasabi

Sayo ng nanay mo

Mga kapatid na palagi kang ginugulpe

Bumbilya mo na laging punde

Niligawan ang klasmeyt mo

Pag nilalapitan ang sinasabi nya sayo pwe

Ngayon ang enrollment nyo

Humingi ka ng pera sabi ng itay mo che

Pagnamamasyal laging luneta

Aparador mo na lumang maleta

Mga damet na walang etiketa

Buhay na parang roleta

Ng kapalaran palaging bokya

Kamote na hindi maka kopya

Sa teacher na paraing si miss tapia

Ang grade koy parang lumang hopya

Di bale na ganayan lang talaga ang buhay

Parang damit sa tindahan na ukay ukay

Ano man ang ating gawin

Kapalaran natiy haharapin tara

Ito ba talaga ang buhay ko bahala na

Ganyan lang talaga ang buhay kaya kumapit ka

Tumaya ka sa lotto nanalo ka

Di mo pa dinidigahan sinagot ka na

Lahat ng mga bagong kotse meron ka na

Pati alahas na masakit sa mata

At mabigat sa braso di pwet ng baso

Ang bahay mo na kasing laki ng palasyo

Damit na bagong bili ginawang retaso

Madalas ka pa sa banko kaysa sa banyo

Sa dami ng pera mo gamit na wallet ay bag hoy

Kumakain ng tuyo sawa na sa baboy

Malakas ang dating kasi naman ang mukha moy

Parang isang piraso ng inukit na kahoy

Tinawagan mo pa lang tanggap ka na

Pasado ka sa test sa isang kisap mata

Ano unang araw ng trabaho boss ka na

Laging nakaupo may taga utos ka pa

Kinunan ka ng picture akala moy

Hindi ka naka video pero karakas moy

Nagkalat na sa youtube kaya ngayoy

Sikat na para ding moymoy palaboy

Paborito ka ng teacher mo

Laging orig ang mga t-shirt mo

Kahit saang lupalop ka pumunta

Ay lagi kang naka hatid sundo

Tingnan mo sundan mo ang lahat

Ng mga inuutos ko

Yan ang palagi mong sinasabi pare

Daig mo pa nga ang pangulo

Ng barangay hall kaso lang narinig

Mong tumilaok ang manok

Panaginip lang pala pano yan tanghali ka na

Nagmamadali kang bumangon kaso lamang

Nabagok napakanta na lang

Di lamang ikaw ang may dinadala

Tumingin ka sa paligid nariyan lang nariyan lang

Ito ba talaga ang buhay ko bahala na

Ganyan lang talaga ang buhay kaya

Kumapit ka

Ito ba talaga ang buhay ko bahala na

Ganyan lang talaga ang buhay kaya

Bahala na

Bahala na

展开