歌词
@migu music@
Tuwing Umuulan At Kapiling Ka - Eraserheads
Written by:Ryan Cayabyab
Pagmasdan ang ulan
Unti unting pumapatak
Sa mga halama't mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim
Unti unting bumabalot
Sa buong paligid t'wing umuulan
Kasabay ng ulan
Bumubuhos ang 'yong ganda
Kasabay rin ng hanging kumakanta
Maari bang huwag ka na
Sa piling ko'y lumisan pa
Hanggang ang hangi't ula'y tumila na
Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pagagos mo
'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pagibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Pagmasdan ang ulan
Untiunting tumitila
Ikaw ri'y magpapaalam na
Maari bang minsan pa
Mahagkan ka't maiduyan pa
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi
Minsan pa ulan bumuhos
Ka't h'wag nang tumigil pa
Hatid mo ma'y bagyo dalangin
Ito ng puso kong sumasamo
Pagibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling kaaaaaaaah
Oooohhh
Maari bang minsan pa
Mahagkan ka't maiduyan pa
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi
Buhos na ulan aking mundo'y
Lunuring tuluyan
Tulad ng pagagos mo
'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pagibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Minsan pa ulan bumuhos
Ka't h'wag nang tumigil pa
Hatid mo ma'y bagyo
Dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pagibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
展开